Advertisers

Advertisers

Utang ng PhilHealth sa hospitals P20b na

0 493

Advertisers

PUMALO na sa P20 bilyong halaga ng claims ang hindi pa nababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) magmula nitong Agosto, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi).

“Actually noon pang August no…they owe us more or less around P20 billion and this is all over the country,” ayon kay PHAPi president Jose Rene de Grano sa panayam sa CNN.

“And continuous naman ang paggamit kahit na let’s say that they are saying that they paid already P10 billion, nasaan na ang mga payments na ito?” sabi pa nito.
Iginiit ni De Grano na ilang ospital ang nagsusumbong na hindi pa nila natatanggap ang bayad mula sa PhilHealth.



Ayon kay De Grano, bagama’t binabayaran naman ng PhilHealth ang mga bagong claims ng mga pribadong ospital, nananatiling hindi bayad ang mga claims para sa coronavirus disease (COVID-19) cases nitong 2020.

Dagdag pa ng PHAPi president, ilang ospital ang napilitang mag-‘downsize’ para maipagpatuloy ang operasyon.

Ilang buwan nang kumokonsulta ang ilang ospital sa kanilang mga miyembro kung puputulin na ang ugnayan nila sa PhilHealth.

Sinabi naman ni De Grano na iaanunsyo ng ilang ospital ang kanilang plano para sa 2022 sa kalagitnaan ng Nobyembre, ilang linggo matapos ang deadline na ibinigay sa ahensya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">