Advertisers

Advertisers

71-anyos lolo kabado sa magkaibang Covid-19 vaccines na itinurok sa kanya

0 227

Advertisers

NANGANGAMBA ngayon ang 71-anyos na lolo sa tila umano ginawang experiment sa kanya nang turukan siya ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine sa Antipolo City.

Sa FB post, sinabi ni Anatalio Aregada, 71, una siyang naturukan ng Moderna noong August. At nitong nakalipas na buwan ay nakatanggap siya ng 2nd dose ng Sinovac.
Ani Arigada, natakot siya sa magkaibang brand ng vaccines kaya siya nagtanong sa vaccinator.

“May tinawagan, lumapit sakin ang doctor parang pinalakas ang loob ko na, ‘Okay lang ‘yan, sa ibang bansa nagamit na ‘yan,'” ani Aregada.



“Sa loob loob ko, baka ginawa ninyo akong experiment, kaya ayun nasa isip ko e,” dagdag ng matanda.

Ayon kay Aregada, nais nito na malaman sa Department of Health (DOH) kung tama ang tinutok sa kanya na magkaibang gamot.

Aniya, nangalay at nanigas ang kanang kamay niya nang maturokan siya ng Sinovac.

Nilinaw naman ng Antipolo City Government na ang mixing ng magkaibang brand ng vaccine ay hindi polisiya ng DOH.

Sinabi ni Erilito Bernardo Jr., miyembro ng local disaster risk reduction management ng Antipolo City, hindi at hangga’t maari ay iniiwasan nila ang ganito at sumusunod sila sa polisiya ng DOH at national vaccine.



“Kung may pagkukulang, sila po ay binigyan ng karapatang aksyon,” sabi ni Bernardo.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Antipolo City Health Office sa kaso ni Aregada, ayon kay Bernardo.(Edwin Moreno)