Advertisers

Advertisers

‘ALERT LEVEL 2’ SA NCR APRUB SA HEALTH WORKERS

0 547

Advertisers

APRUBADO ng Philippine College of Physicians (PCP) ang panawagan na ibaba sa Alert Level 2 ang kasalukuyang Alert Level 3 na umiiral sa National Capital Region bunsod ng bumababang COVID-19 cases sa rehiyon.

Subalit pinapaalalahanan ni PCP president Dr. Maricar Limpin ang publiko na patuloy pa ring sundin ang minimum public health standards sa oras na babaan na ang alert level status sa NCR.

Giit ni Limpin, ang compliance pa rin sa health protocols ang siyang pinakamahalaga at pinaka-epektibong istratehiya para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.



Nabatid na ang Metro Manila ay mananatiling nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Nobyembre 14.

Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayagan ang ilang establisiyemento na makapag-operate ng 30 percent para sa kanilang indoor venue capacity na para lamang sa mga fully vaccinated nang indibidwal at 50 percent naman para sa outdoor venue capacity.

Para naman sa Alert Level 2, 50 percent indoor capacity ng establisiyemento ang pinapayagan at karagdagan pang 10 percent capacity kapag may safety seal.

Habang para sa outdoors, pinapayagan ang 70 percent capacity.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">