Advertisers

Advertisers

BGY. CHAIRMAN SA CALOOCAN PATAY, MISIS SUGATAN SA RIDING IN TANDEM

0 327

Advertisers

PATAY ang isang barangay chairman at sugatan ang misis nito nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Caloocan city, Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Gerardo Ragos Apostol, 56 anyos, chairman ng Barangay 143, Caloocan City; at sugatan ang misis nitong si Evelyn, 56, mga residente ng 55 Malolos Avenue ng naturang barangay.

Sa report, 6:12 ng gabi nang maganap ang krimen sa harap ng Apostol Rice and Egg Store sa bahagi ng Malolos Avenue.



Ayon sa nakasaksi na si Emelda Decierra, 68, helper at residente sa naturang barangay, habang nakaupo sa tapat ng kanilang tindahan ang mag-asawang Apostol ay biglang lumitaw ang dalawang hindi nakilalang mga salarin lulan ng motorsiklo na kulay pink at pinagbabaril ang mga biktima.

Bumaba pa ang isa sa mga salarin sa motorsiklo at muling binaril si Gerardo para siguruhing patay na ito.

Niyakap ni Evelyn ang kanyang mister, subali’t maging siya binaril sa kanang bukong-bukong.

Mabilis na tumakas ang mga salarin, habang isinugod sa MCU si Evelyn. Nasa mabuti na itong kalagayan.

Ayon sa executive officer ng barangay na si Alexander Dulce, wala sila makitang motibo sa likod ng pagpatay sa kanilang kapitan dahil wala silang kilalang kaaway nito.



Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa krimen. (Beth Samson)