Advertisers

Advertisers

BONG GO: VACCINE SUPPLY SA PHL HIGIT 100 MILLION DOSES NA

0 312

Advertisers

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go COVID-19 pandemic response ng pamahalaan dahil umaabot na sa mahigit 100 milyon ang vaccine supply sa bansa.

Nagsimulang dumating ang shipment ng bakuna sa Pilipinas noong Pebrero.

Dahil dito, sinabi ni Go na isa itong welcome development na resulta ng pagsisikap ng gobyerno upang mabakunahan at maprotektahan ang lahat ng mga Pilipino laban sa COVID-19.



Kaya naman muling hinikayat ng senador ang lahat na magpabakuna na lalo’t bukas na ang programa sa general population.

“Nasa datos na kapag bakunado ka, mas maiiwasan ang severe na kaso ng COVID-19,” ani Go.

As of October 30, nakatanggap na ang Pilipinas ng kabuuang 104,113,480 bakuna at nasa 59,134,236 bakuna na ang naiturok.

Ang mga Filipino na nakatanggap na ng first dose ay nasa 31,862,067 habang 27,272,169 ang fully vaccinated na.

“Bumababa na ngayon ang bilang ng mga kaso sa Maynila pero huwag pa rin tayo maging kumpiyansa. Siguraduhin natin na makarating ang bakuna sa mga pinakanangangailangan upang walang maiwan sa ating muling pagbangon,” iginiit ni Go.



Inaasahang may matatanggap muli ang bansa ng tinatayang 50 milyon pang doses bago matapos ang taon, kabilang dito ang 10 million COVID-19 shots mula sa COVAX facility.

“Kapag mabakunahan na ang lahat ng eligible at maabot na natin ang herd immunity, tuluyan na ring bababa ang mga kaso ng nagkakasakit at mas mabilis tayong makababalik sa normal na pamumuhay,” paliwanag ni Go.

“Habang pinoproteksyunan natin ang buhay ng mga Pilipino, sinisikap rin nating lutasin ang hirap at gutom na dulot ng pandemya. Kapag protektado ang komunidad gamit ang bakuna, mas makapagtatrabaho na rin ang mga tao at sisigla ang kabuhayan ng lahat,” idinagdag ng senador.

Nauna na ring nanawagan si Go sa pamahalaan na patuloy na pabilisin ang pagpapakalat ng bakuna sa labas ng Metro Manila para makumpleto ang baksinasyon sa target population, lalo sa nakatatanda at may comorbidities.

Mahalaga rin aniya na paghandaan ang booster shots dahil na rin sa mga naglalabasang variants at tiyaking may sapat na pondo dahil tuluy-tuloy ang pagbabakuna hanggang sa susunod na taon.