Advertisers
KINABIBILIBAN kamakailan si Benguet caretaker Cong. Eric Yap matapos nito ikutin ang buong Benguet upang alamin ang kalagayan ng mga mamamayan sa Benguet Province.
Nitong nakaraan lang, nagtungo si Yap sa Ansagan, Tuba upang kamustahin ng personal ang mga naninirahan sa lugar kasabay ng nakayanang tulong.
“Nais lang natin alamin ang kalagayan ng ating mga mamamayan sa bawat sulong ng Benguet. Kung ano ang kanilang mga pangunahing pangangailangan,” pahayag ni Yap.
Dito napag-alaman ni Yap at naranasang personal na sadyang napakahirap ng kalsada sa ilang barangay bukod pa ang problema sa tubig.
“Sa tagal po namin dito, tanging si Apo Cong. Eric Yap lang ang matiyagang mag-ikot na tila ay isa sa amin. Kaya kami po ay maswerte na naging caretaker namin siya,” masayang pagbibida ng isang residente.
Matapos ang pagbisita, nangako ang mambabatas ng tuloy-tuloy na progreso saan mang panig ng Benguet. Bukod pa sa milyon-milyon na pondo na nais ng mambabatas na mailaan sa probinsya para sa kapakanan ng mga mamamayan dito.