Advertisers

Advertisers

Covid update: 2,303 bagong kaso; 4,677 gumaling; 128 patay

0 208

Advertisers

NASA mahigit 40,000 nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 2,303 bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, Nobyembre 2.

Batay sa inilabas na case bulletin #598 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na sa 2,792,656 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.5% na lamang o 40,786 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.



Kabilang sa active cases ang 71.2% na nakakaranas ng mild cases, 13.02% na moderate cases, 7.5% na severe cases, 5.1% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 3.2% na kritikal.

Nakapagtala rin ang DOH ng 4,677 bagong gumaling sa karamdaman kaya nasa 2,708,466 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.0% ng total cases.

Mayroon ding 128 pasyente na binawian ng buhay kaya nasa kabuuang 43,404 na ang COVID-19 deaths o 1.55% ng total cases.

Samantala, iniulat din ng DOH na mayroon pa rin namang 22 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, kabilang dito ang 19 recoveries.

Mayroon ding 106 pasyente na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay nireklasipika matapos na lumitaw sa pinal na balidasyon na binawian na pala sila ng buhay.



Anang DOH, sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Oktubre 31, 2021 habang mayroong walong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Anito, base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng naturang 8 laboratory ay humigit kumulang sa 1.2% sa lahat ng samples na nai-test at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)