Advertisers

Advertisers

Dalagita, nasunog sa Halloween costume

0 266

Advertisers

ILOILO CITY – Isinugod sa ospital ang isang dalagita nang masunog ito nang sumiklab ang kanyang Halloween costume sa Estancia sa Iloilo, nitong Linggo.

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng 17-anyos na babae na ginagamot pa rin sa Jesus M. Colmenares Memorial District Hospital sa Balasan ng nasabi ring lalawigan, dahil sa matinding pagkasunog ng katawan.

Sa report. sumali ang dalagita sa isang Halloween activity na binuo ng Pag-asa Youth Association of the Philippines sa town plaza nitong Oktubre 31.



Bago ang insidente, dinadagdagan ng palamuti ng mga kaibigan ng dalagita ang likuran ng costume nito, gayunman, biglang sumiklab ang ginagamit na glue stick nang may magsindi ng posporo.

Kaagad namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP-Estancia station) at inapula ang apoy.

Nakunan ng video ang insidente ng guro na si Ryan Ociel at in-upload sa kanyang Facebook account.

Aniya, marami ang kumukumbinsi sa kanya na i-delete ang kanyang social media post.

Kaugnay nito, kinuwestiyon ni Ociel ang naturang organisasyon ng mga kabataan sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019.



“This event should not be happening. She deserves justice!” sabi pa ni Ociel na ang tinutukoy ang biktimang dalagita.