Advertisers

Advertisers

Drug suspect, arestado sa checkpoint

0 417

Advertisers

BALIK kulungan ang isang drug suspek nang makuhanan ng mga ebidensya sa isang checkpoint operation sa Duran detachment, Barangay Sarmiento, Parang Maguindanao, nitong Linggo.

Kinilala ang naaresto na si Esmael Kamsa alyas Tubias, 32, at residente ng Barangay Nituan ng nasabing bayan.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng shabu at isang improvised tooter/weather.



Napag-alaman na dati nang nakulong ang naturang suspect dahil sa kaparehong kaso ar sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs sa Barangay Nituan.

Nasa kustodiya na ngayon ng Parang PNP ang suspect at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.