Advertisers
Arestado ng City Police Drug Enformcent Unit ng Puerto Princesa City Police Office at Puerto Princesa City Anti- Crime Task force ang isang drug suspect sa Purok Waling-waling, Brgy. Maunlad dito sa lungsod.
Kinilala ang suspek na si Carlo Romeo Zapanta Y MNU alias Carlo, 23 anyos, estudyante.
Sa ulat, 12:05 ng tanghali nitong Lunes nang mahuli sa drug buybust operation ang binata at nakumpiska rito ang isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng dahon ng marijuana. Nang kapkapan si Zapanta narekober ang dalawang P2,000 buybust money, 1 pakete ng marijuana at 2 cellphone.
Tinatayang aabot sa 0.72 gramo ang timbang ng nakumpiskang marijuana kay Carlo na nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.