Advertisers
ISINUHESTIYON ng OCTA Research group na tanging mga fully vaccinated na pasahero ang papayagang sumakay sa mga pampublikong sasakyan.
Ito ang sinabi ni Dr. Guido David matapos na aprubahan kamakailan ng national pandemic task force ang gradual increase sa passenger capacity ng mga sasakyan at tren sa Metro Manila at kalapit na probinsya simula Nobyembre 4.
Saad ni David, sa ngayon ay mataas na rin naman ang vaccination coverage sa Nationa Capital Region (NCR), kung saan 96% ng adult population ang naturukan na ng first dose habang 80% naman ang kumpleto na sa vaccine doses.
Nanawagan ang OCTA sa pamahalaan na pabilisin pa rin ang bakunahan sa mga kalapit na probinsya para maging sila ay magkaroon din ng pinabuting vaccination coverage. (Josephine Patricio)