Advertisers
Patay ang isang katao at tatlo ang sugatan sa sunog sa Greenfield 3 Subdivision, Novaliches, Quezon City nitong Martes ng madaling-araw.
Kinilala ang nasawi na si Melanie Trinidad, 21-anyos.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy mula sa kisame ng tahanan ng biktima.
Sa report, 2:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog kung saan mahimbing na natutulog ang mga nasa bahay.
Umabot sa unang alarma ang sunog at naapula pagkaraan ng isang oras.
Nasawi si Melanie nang mabigong makalabas nang balikan pa niya ang ilang gamit.
Samantala, sugatan naman ang iba pang naninirahan sa nasabing tahanan na sina Sunday Arias, Luzviminda Trinidad at ina ni Melanie na si Belen Trinidad.
Iniimbestigahan pa ang eksaktong sanhi ng sunog.