Advertisers
Dead-on-the-spot ang isang magsasaka nang magulog ang minamaneho nitong trak sa 60 metrong lalim na bangin sa Sitio Bato, Brgy. Bashoy, Kabayan, Benguet, nitong Linggo.
Kinilala ang nasawi na si Marfil Liwan Sumakey, 29 anyos, may asawa, driver/magsasaka at residente ng nasabing sitio.
Ayon sa Kabayan police, minamaneho ng biktima ang Elf 6-wheeler truck at binabagtas ang nasabing lugar nang dumulas ang gulong nito dahil sa mga nakakalat na buhangin at graba.
Nawalan ng kontrol sa manibela si Sumakey at dirediretsong nahulog ang trak sa bangin na agad ikinasawi nito.
Agad namang nag-utos si Kabayan Mayor Basilio Louie Daoal Jr., na linisin ang mga nakakalat na buhangin at graba upang hindi na muling maulit ang aksidente sa lugar.