Advertisers

Advertisers

Aiko umiyak sa huling eksena sa serye

0 247

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KALOKOHAN! Iyan ang maitatawag sa fake news na kumalat na hindi raw si Senator Tito Sotto ang susuportahan ni Joey de Leon sa eleksyon sa 2022.

May mga pekeng larawan umano ang kumakalat na makikitang ibang kandidato ang susuportahan ni Joey sa pagka-Bise Presidente sa 2022 national election.



Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (na may 1.4 million followers) ay nilinaw ito ng TV host/comedian kalakip ang litrato nilang tatlo nina Senator Tito at Bossing Vic Sotto.

Ayon sa post ni Joey na ang IG account ay @angpoetnyo…

“Anak ng pating eh halos pitong buwan pa bago mag-election pero nagkalat na fake news! Kesyo ako daw, gamit ang mukha at pangalan ko, iniendorso ang isang kandidato!

“Pwede ba, nasa litratong ito natural ang aking iboboto. Eh PITONG presidente na kaming magkakasama! Kailangan pa bang i-explain yan?

“Dun sa mga “friends” ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ‘ko eh!”



Ang @helenstito IG account na naka-tag sa IG post ni Joey ay si Senator Tito.

Wala naman talagang maniniwala na hindi si Senator Tito ang susuportahan ni Joey, hello! E hindi na nga sila magkakaibigan lamang, magkakapatid na ang turingan nila kaya napakaimposibleng bumalimbing si Joey.

Pruweba pa nito ang apatnapu’t dalawang taon na ngang umeere ang Eat Bulaga!

Oh well, ganyan naman kapag eleksyon, kanya-kanyang gimik, kanya-kanyang diskarte, kanyang siraan at kanya-kanyang imbento ng kuwento.

***

HINDI napigilan ni Aiko Melendez na maging emosyonal matapos niyang gawin ang huli niyang eksena sa upcoming Kapuso series na “Prima Donnas” Season 2.

Sa video clip sa naging farewell ceremony ng cast at crew ng serye, naging madamdamin ang mga mensahe ng actress-director na si Gina Alajar para kay Aiko.

“We are so happy na magaang kang kasama. We are so happy dahil nakasundo mo ang lahat pati mga bata. We are so happy, when you’re on the set, you’re so magaan,” sabi ni Direk Gina.

“When you’re on the set, wala kang reklamo. Truly, totoo ‘yan. Madali kang pakiusapan, madali kang namang sabihan na, ‘One more shot, one more shot’ and you’re willing to do that,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Direk Gina na nais nilang makatrabaho pang muli si Aiko pagkatapos ng “Prima Donnas.”

“Hanggang matapos ang ‘Prima Donnas,’ ikaw ay palagi naming kasama in spirit. And your memories will remain with us, and we hope to see you soon, we hope to work with you again,” pahayag niya.

Naiyak naman si Aiko habang pinapakinggan ang mga mensahe para sa kaniya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng kanyang nakatrabaho, lalo na kay Direk Gina na itinuring na niyang ina.

“First of all, I’d like to thank everyone from the cast down to the crew, and the director who I’ll miss so much,” anang aktres.

“Because [Gina] became my mother here, especially when my father died, you were there for me,” dagdag ni Aiko.

Pumanaw ang stepfather ni Aiko na si Dan Castaneda nitong nakaraang Pebrero dahil sa komplikasyon ng COVID-19.

Nagmarka ang karakter ni Aiko bilang ang kontrabidang si Kendra sa “Prima Donnas.”

***

HINDI na raw mabilang ni Mikoy Morales kung ilang beses naging on and off ang romantic relationship nila ni Thea Tolentino. Kaya naman natanong ang aktor kung magkakabalikan pa ba sila ulit?

Sa guesting ni Mikoy sa programang “Mars Pa More,” sinabi ni Mikoy na hindi na marahil sila magkakabalikan ni Thea, na isa sa leading lady ngayon sa afternoon series na “Las Hermanas.”

Ayon kay Mikoy, maaaring naabot na nila ni Thea ang hangganan sa kanilang relasyon.

“Siguro na reached na rin namin yung limits… hindi limits pero parang we’ve done our parts in each others lives and were ok to that,” paliwanag niya.

Sa isang panayam dati, sinabi ni Thea na mutual decision ang paghihiwalay nila ni Mikoy.

Gayunman, nananatili raw silang magkaibigan ng aktor.

Speaking of Thea, regular siyang napapanood sa Las Hermanas ng GMA.