Advertisers

Advertisers

McCoy nagbigay ng mensahe para kay Elisse at sa anak

0 316

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DAHIL sa pinakitang ‘tapang’ ng partners na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa pagsasabi sa madla na may anak na babae na sila at pinangalanan nila itong Felize Mckenzie, lumabas ang inner strength ng dalawa.

Nangyari ang pambubunyag nang magsadya ang dalawa sa Pinoy Big Brother para personal na alukin si Kuya na maging ninong ng kanilang anak para sa darating na binyag nito.



Marami ang nagulat at gayun din ang nalungkot sa ginawang pag-amin na ito ng dalawa. Pero para kay McCoy ay isa itong kalayaan para sa pagiging pa-tweetum na idol upang maging isang strong father and partner to his daughter and Elisse.

Inilabas ni McCoy sa pamamagitan ng isang post ang kanyang kaligayahan sa gitna ng pangamba sa ginawa nilang pag-amin sa publiko.



“Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag asa ng nanay mo. Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sayo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito. Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin.

Aaminin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako. Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo,” mensahe ni McCoy para sa anak.



Maging sa partner niyang si Elisse ay nagbigay rin ng saloobin si McCoy.

“Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaanan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinanggap ang bawat isa lalo na ako…kaya salamat Elisse ko,” dagdag na saad pa ni McCoy.

Samantala, sa panig naman ni Elisse, pinakita niya ang isang vlog na kuha mismo ng partner na si McCoy. Ang mga video ay kuha noong mga first few weeks ng pagbubuntis ni Elisse. Inamin ng young actress na hindi siya makapaniwala na buntis siya. Hindi naging madali para sa young actress na matanggap na magiging isang ina na pala siya.

“Hindi pa rin ako makapaniwala ’cause ’yong tummy ko parang busog, parang bloated. Pero meron na palang baby inside.

But s’yempre, hindi ko din mapakita ’yong excitement ko masyado because I am also scared. I don’t know how to be a mom. I bet it’s hard. But kaya ’to. We will get through it,” say ni Elisse sa kanyang blog.