Advertisers

Advertisers

Zoren Legaspi, mas naging close sa kambal na sina Mavy at Cassy ngayong 25 na

0 9

Advertisers

Ni Anne Venancio

Hindi porke’t nagkakaedad ang mga anak ay unti-unti na silang lumalayo sa kanilang mga magulang. Patunay diyan ang pamilya ni Zoren Legaspi!

Ibinahagi ng aktor na mas naging close sila ng kambal na sina Mavy at Cassy ngayong nasa edad 25 na ang mga ito at abala na rin sa kani-kanilang career.



Sa kanilang guesting sa Gandang Gabi, Vice, ikinuwento ni Zoren na kabaligtaran ang nangyari sa kanilang pamilya dahil mas tumibay ang samahan nila habang lumalaki ang kanyang mga anak.

“Sabi ko nga ngayon, mas naging close kami. Kung kailan sila tumanda,” sey ni Zoren.



Aminado naman si Mavy na mas marami silang tinatagong sikreto noong bata pa sila.

Ngayon, open na sila sa kanilang parents at aktibo rin sa family group chat na ginawa ni Zoren.



May separate group chat nga lang sila kapag napag-uusapan ang mga nakakahiya umanong social media post ng kanilang dad!

Patunay lang na habang tumatanda, mas nagiging solid ang samahan ng pamilya Legaspi.