Advertisers

Advertisers

David handang iwan ang showbiz

0 11

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa isang interview, sinabi ni David Licauco na aware siya na hindi pangmatagalang karera ang showbiz.

Katunayan, darating daw ang panahon na iiwan din niya ang pag-arte.



“I think, ano darating ‘yung panahon na titigil na ako sa showbiz. Alam naman natin na it’s not forever,” paliwanag niya.

Sey pa niya, bagamat mahal niya ang pag-arte, mulat din daw siya sa mahigpit na kumpestisyon sa mundong kanyang niyakap at ginagalawan.



Para sa kanya, dapat ding pahalagahan ng isang artista ang perang kinikita.

Hirit pa niya, habang bata raw ay dapat matuto itong mag-invest para may fallback kung sakaling di na ito aktibo sa showbiz.



“Palaging may pumapasok na bagong artista. Laging may bagong shows. Ganoon talaga e, so siyempre kaming mga artista, kailangan mag-invest,” bulalas niya.

Bilang negosyante raw naman, hindi naman kaila sa kanya ang mga hamon ng pagpapatakbo ng negosyo,lalo na sa panahong apektado ang ekonomiya ng bansa dahil sa inflation at pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Sa pagiging entrepreneur din daw niya, natuto siya kung paano ilalagay sa tamang investments ang perang pinaghirapan.

“Na-realize ko na I learned na dapat ‘yung risk na we take has to be calculated, has to be well-thought of dahil ‘yung mga pera na pinu-put natin sa negosyo, hindi lang naman siya wala lang. Hindi naman siya regalo, but it comes from hard work .

Dahil hindi forever ang paga-artista diba. It’s sad to say na igi-give up ko ‘yung showbiz, but I just want to say na I am securing my future through business,” pagtatapos niya.