Advertisers

Advertisers

Billy Jake, na-challenge sa kontrabida role sa “Ang Akin ay Akin”

0 14

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PANGATLONG kontrabida role na ni Billy Jake ang new movie niya titled “Ang Akin ay Akin” ni Direk Mark Sicat Dela Cruz.

Ang screen name niya noon ay Billy Jake Cortez at sa payo ni direk Darryl Yap ay nabago ang screen name niya since last year at na-drop na nga ang Cortez.



Matatandaang nagmarka si Billy sa papel na batang Mel Mathay sa pelikulang “Martyr or Murderer” ni Direk Darryl noong February 2023.

Anyway, nabanggit sa amin ni Billy ang mga nagawa niyang kontrabida role.



Aniya, “May Vertical ako, another kontrabida role, last year sa iwant yung Billionaires Swap, this year naman sa TV5, iyong My Bespren Emman, tapos eto nga pong new project ko ay iyong Ang Akin ay Akin sa VMB (Viva Movie Box).

“Ang kasama ko sa cast ay sina Anna Luna na gumanap na asawa ko at Rosevan Ginkel na ang papel naman ay bilang kabit ko. Drama po ito, soap style.”



Sinabi rin niyang challenging para sa kanya na gampanan ang kontrabida role.

Ayon kay Billy, “Yes, kasi sa totoong buhay ay mahaba ang pasensiya ko, good boy ako kumbaga, hahaha! So, challenging siya dahil kasalungat sa personality ko ang ginagampanan ko po.”

Dagdag pa niya, “Challenging siya pero nagugulat ako kapag ina-act ko na (ang role), nagugustuhan kasi ng mga kaibigan kong direktor. And bagay raw sa akin as kontrabida itong bigote at balbas ko, hahaha!”

Ano ang pakiramdam kapag ganoon, na pasado sa kanila ang kanyang performance?

Esplika ng guwapitong aktor, “Bilang nagdi-discover pa ako sa acting, masaya pero natututo rin ako sa kanila. Kung sa visual pasado sa kanila at sa voice ko ay pasado as kontrabida, importante rin sa kanila siyempre ang acting. Kasabay ng mga papuri ng mga kaibigan ko, may mga advice rin sila para mas lalong gumanda ang acting ko.”

Paano siya naghahanda kapag natotokahan ng kontrabida role?

“Nagbabasa po ng script at humahanap ng hugot sa nakaraan at pagkatao ng aking karakter at iba kong kasamang mga karakter.”

Sa naunang panayam namin kay Billy, nabanggit niya ang planong pasukin din ang pagiging direktor ng pelikula, very soon.

Siya ay graduate sa UP Film Institute at nagma-Master’s hanggang ngayon. May niluluto raw siyang dalawang project na horror at comedy.

“Plano kong makapasok sa directing, kasi nagsimula ako sa pelikula bilang book author noong may Viva books pa at saka may mga kasabayan po tayong direktor. Iyon po ang gusto kong tahakin ngayon,” pakli pa niya.

Pero habang naghihintay na dumating ang pagkakataong ito, nakatutok muna si Billy sa kanyang acting career, pati na ang pagsabak sa live events, as pageant host, na nagpapakita rin siya ng talento sa field na ito.