Advertisers

Advertisers

Jed aminadong dumaranas ng depresyon

0 443

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA interview kay Jed Madela sa vlog ng talent manager-turned vlogger na si Ogie Diaz, ipinaliwanag niya ang ibig sabihin ng kanyang cryptic posts sa kanyang Facebook account kaugnay ng pinagdadaanan niyang depresyon.

Ayon sa magaling at award-winning singer, dati raw ay isa siyang worrier.



Katunayan, dumating daw talaga siya sa puntong kinukuwestiyon na ang worth niya bilang artist.

Dati raw kasi, hindi siya napipirmi sa bahay dahil sa sobrang kaabalahan.

Kaliwa’t kanan din noon ang kanyang mga commitments to do concerts at shows abroad na hinahanap-hanap daw ng kanyang katawan.

Nami-miss din daw niya ang adulation ng fans kapag bumibirit siya.

Pero mula raw nang magkaroon ng pandemic, nabago na ang lahat.



Dahil wala ngang live entertainment shows, natengga siya at maging ang kanyang management ay nahirapang ihanap siya ng trabaho.

Dumanas din daw siya ng depression at naapektuhan ang kanyang self-esteem.

Kung nakakapag-post man daw siya ng kanyang mga hugot sa social media, ito raw ay nagsilbing outlet niya para ilabas ang kanyang nararamdamang frustration.

Kung KSP daw ang dating nito sa iba, para sa kanya ito raw ay isang “call for help.”

Sa panahon din daw ng pandemya, nakilala raw niya ang mga tunay na kaibigan na handang dumamay sa kanya.

Nag-seek daw naman siya ng professional help at may medikasyon siya para sa kanyang anxiety attacks.

Marami rin daw siyang natutunan sa panahong salat ang raket sa showbiz.

Para magsilbi na ring therapy, ibinuhos daw niya ang kanyang atensyon sa paggawa ng toys na nakadagdag sa kanyang mga pinagkakakitaan.

Thankful din si Jed dahil sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay meron pa rin siyang trabaho bilang performer sa ASAP at iba pang shows ng Kapamilya network.

Tungkol naman sa bashers, dati raw ay madali siyang maapektuhan ng pamba-bash lalo na kung nilalait ang kanyang katabaan, pero ngayon daw ay hindi na siya napipikon at keber na lang siya sa banat ng kanyang bashers.

Bago pa naging Kapamilya, si Jed ang kauna-unahang Pinoy na nagkampeon sa World Championships of Performing Arts or WCOPA.

He was the first Filipino to win the World Championships of Performing Arts title.