Advertisers

Advertisers

Pabaya na LGUs sa Covid vaccination, lagot kay Du30

0 269

Advertisers

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na mananagot sa batas ang mga lokal na opisyal na magpapabaya at makupad sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa kanilang mga kababayan.

Sinabi ni Pangulong Duterte, inatasan na niya si Interior Secretary Eduardo Año na papanagutin ang LGU officials na hindi tumutupad sa kanilang tungkulin para sa vaccination rollout.

“I have also ordered Secretary Año to impose the necessary sanction against LGUs and local chief executives who are not performing nor using the doses given to them in a most expeditious manner. I will hold each and every LGU accountable for this,” ayon kay Pangulong Duterte.



Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gamitin ang lahat ng air assets at iba pang kagamitan sa pagdi-deliver ng mga bakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, may mga ulat na nahihirapan ang iba sa pagdadala ng mga bakuna sa mga regional at provincial level.

Dagdag pa ng Pangulo, target ng pamahalaan na magkaroon ng isang milyong pagbabakuna kada araw.