Advertisers

Advertisers

3 days vaccination drive vs Covid-19 ilulunsad ng gobierno

0 356

Advertisers

PLANO ng gobyerno na magsagawa ng tatlong araw na “National Vaccination Drive” kontra COVID-19.

Sinabi ito ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ngayon aniyang hindi na problema ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Galvez, magiging kaisa sa National Vaccination Drive ang lahat ng ahensya, kabilang na ang militar, mga government agencies maging ang pribadong sektor kung saan inihalintulad ni Galvez ang event na ito sa eleksyon.



Iminungkahi rin umano ng Philippine Medical Association na gawing inoculation sites ang mga eskwelahan.

Una nang inihayag ng gobyerno na target na mabakunahan ang 70% ng kabuuang populasyon ng bansa bago matapos ang taon.