Advertisers
DAHIL sa pagkabigo ng repormang agraryo Kinalampag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang gobyerno partikular ang Department of Agrarian Reform (DAR) para igiit ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo, at ang pagkakaroon ng food self-sufficiency program ng pamahalaan.
Sinabi ni KMP Chairperson Danilo Ramos dapat unahin ng pamahalaan ang pagsusulong ng mga magsasaka sa pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo na matagal na panahong na nilang ipinaglalaban at pagsusulong ng tunay na industriyalisasyon.
Samantala kaugnay nito sa isang email message hinamon ni Ramos ang bagong talagang DAR chief na si Secretary Bernie Cruz na ipamahagi niya ang lupa sa magsasaka, at ang actual land distribution to the tillers.
“We challenge Sec, Cruz, ipamahagi niya ang lupa sa magsasaka, actual land distribution to the tillers” ani pa ni Ramos.
Ayon pa kay Ramos na ang kailangan ng mga magsasaka ay genuine agrarian reform at ang national industrialization ang dapat ipaptupad sa buong bansa.
Kaugnay nito binatikos din ng KMP si SEc. Cruz sa plano ng DAR na pagtatayo ng Mega Farm para sa plantasyon, na malamang umano agri-business corp lamang ang makikinabang at hindi umano small farrmers.
“Una sa kanyang pahayag, (Sec.Cruz) pagtatayo ng Mega Farm para sa plantasyon, malamang agri-business corp ang makikinabang , hindi small farmers” ayon kay Ramos.
Idinagdag pa ng lider ng magsasaka na naka pokus ang DAR sa high-value cash crops for export at paano umano ang ting food self-sufficiency dagdag pa ng KMP.
Tinuligsa rin ni RAmos ang DAR major program na SPLIT, di ba magkatunggali ito, dahil parcelization of land to indivual farmer ayon pa dito.
Kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng mga opisyal ng Department of Agrarian REform (DAR) hinggil sa pahayag ng KMP President subalit nabigo ang sumulat.(Boy Celario)