Advertisers

Advertisers

Face shield optional na lang dapat, NCR handa na sa level 2 – health expert

0 209

Advertisers

DAPAT umanong tuluyan nang alisin ang mandatory na pagsusuot ng face shield at sa halip ay gawin na lang itong optional.

Ayon sa Infectious Disease Expert na si Dr. Rontgene Solante, dahil mababa na ang covid cases at mataas na rin ang bilang ng mga nabakunahan ay pwede nang gawing optional ang pagsusuot ng face shield.

Aniya, marami ang hindi kumportable sa pagsusuot ng face shield at mas mahalaga pa rin ang tamang pagsusuot ng face mask at physical distancing.



Pabor din si Solante na itinaas sa 70% ang seating capacity sa mga Private Utility Vehicles, lalo na sa Metro Manila na patuloy na bumababa ang covid cases.

Dahil dito, napapanahon din na ibaba na sa alert level 2 ang Metro Manila, na naunang iminungkahi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

Gayunman, sa kabila ng bumababang kaso ng covid cases sa Metro Manila ay tumaas naman ang covid cases sa ilang probinsya.

Ayon kay Solante, dapat manatili sa alert level 4 ang mga lugar na may matataas na kaso ng covid. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">