Advertisers

Advertisers

Sa ‘di pagsipot sa hearing sa Pharmally…EX-USEC. LAO PINA-CONTEMPT NG SENADO

0 531

Advertisers

PINA-CONTEMPT ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Undersecretary Lloyd Christopher Lao dahil sa hindi uli pagdalo sa virtual hearing kaugnay sa umano’y overpriced pandemic procurement.

Nag-mosyon si Senador Kiko Pangilinan na ipa-contempt si Lao na sinegundahan naman ni Senador Risa Hontiveros bagay na inaprubahan ni BRC Chairman, Senador Richard Gordon.

Ayon kay Sen. Gordon, dahil pangatlong beses ng hindi nagpapakita si Lao sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee dapat lang na i-contempt na ito sa halip na padalhan ng show cause order para pagpaliwanagin.



Si Lao ang Head ng Procurement Service ng Department of Budget and Management noong mabigyan ng multi bilyong pisong halaga ng kontrata ang Pharmally Pharmaceutical Corporation at ilan pang supplier.

Matatandaang sa naunang mga pagdinig, pina-contempt din ng mga senador ang dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang matapos na bigong dumalo sa pagdinig, at ang director ng Pharmally na si Linconn Ong dahil sa kanyang pag-iwas na sumagot. Nag-isyu ang Senate blue ribbon committee ng warrant of arrest laban kay Yang habang si Ong ay kasalukuyang nakakulong.