Advertisers

Advertisers

15-anyos patay sa ambush ng NPA sa Agusan

0 502

Advertisers

BUTUAN CITY – Nasawi ang isang binatilyo at sugatan ang dalawang CAFGU members sa 30-minutong engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Army at mga rebelde sa Barangay Lower Olave, Buenavista, Agusan del Norte.

Kinilala ng isang Ka Omar Ibarra, tagapagsalita ng New People’s Army kon NPA-Agusan del Norte at Agusan del Sur, ang namatay na si alyas Longlong na anak umano ng isa sa dalawang CAFGU members na sugatan na nakilalang sina alyas Mandahinog at Romeo, habang walang casualty sa kanilang panig.

Posible umanong kasa-kasama ng kanyang ama ang namatay sakaling may gagawin silang operasyon dahil nakuha mula sa posisyon ng binatilyo ang isang M16 armalite rifle at mga bala.



Nilinaw din ni Ka Omar Ibarra na lehitimong operasyon ang kanilang inilunsad sa Lower Olave laban sa militar.