Advertisers
DAHIL sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, naisipan ng isang restaurant na gumamit nalang ng kabayo sa pag-deliver ng food orders sa Oroquieta City, Misamis Occidental.
Ayon kay John Wilfred Hatague, manager ng Chopstick Restaurant, bumili siya ng kabayo sa halagang P16,000 para mas makatipid sa gastos sa food delivery.
Tinawag niya ang kabayo na si Happy. Ang kanyang pinsan na marunong mangabayo ang delivery rider.
Mas tipid umano sa gasolina, environment friendly at dagdag atraksyon ang horseback delivery ng kanilang restaurant.
Bawal ang magpatakbo ng mabilis para hindi masira ang dalang pagkain at pawang “dry food” orders lang ang tinatanggap nila for horseback delivery.
Pang malapitan lamang ang horseback delivery para hindi madaling mapagod ang kabayo.
Matagal na ang kanilang restaurant sa Oroquieta City at isang family business.
Walang delivery charge sa horseback rider delivery sa kanilang restaurant.