Advertisers
NAGLABAS na ng ‘all points bulletin’ ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng lalaking pumaslang sa limang miyembro ng isang pamilya sa Barangay Tarusanan, Milaor, Camarines Sur.
Ayon kay Colonel Louie Dela Peña, tagapagsalita ng Camarines Sur Police, tinutugis na nila ang prime suspect na si Arthur De Leon na siyang itinuturong pumaslang sa kina Romeo de Leon, 72 anyos; Samuel Cobilla Jr.; Noela Agliones, 7; Hobbie John Britanico, 6; at Robbie John Britanico, 4.
Tanging ang batang si Hades John Britanico ang nakaligtas sa krimen at patuloy itong nilalapatan ng lunas sa isang ospital.
Sa imbestigasyon, nanonood ng telebisyon ang mga biktima nang pumasok sa kanilang bahay si De Leon na nakasuot ng camouflage uniform at pinagbabaril ang mga ito gamit ang isang M16 rifle.
Pinaniniwalaan na ang ma-tagal nang alitan sa lupa ang isa sa motibo ng gunman kaya pinatay ang mga kaanak.