Advertisers
UMAKYAT na sa bilang na 124 na mga pulis ang nasawi sa coronavirus disease (Covid-19 ) ang naitala ng Philippine National Police-Health Service (PNP-HS).
Sa datos ng PNP-HS, sinabi ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, na isang 35-anyos na pulis na nakatalaga sa Western Mindanao ang nasawi noong Oct. 17 sanhi ng Respiratory Failure secondary to Covid-19 ang nakumpirma at nai-report nitong nakaraan linggo.
Base sa medical record, nakaranas ang pasayente ng mild symptom ng Covid-19 noong Oct 3, 2021 at nag-self medication ito.
Noong Oct 13, lumalala ang sintomas ng sakit ng pasyente at pinayuhan ng kanyang superior na magpa-check up at kumunsulta sa doktor ngunit tumanggi ang pamilya nito.
Sa tulong ng kaibigan, nakumbinsi ang pamilya nito na madala sa pagamutan ang pulis at sumasailalim sa Rapid Antigen Test na nagpositibo ang resulta. Oct. 17 binawian ng buhay ang pulis sa pagamutan.
Samantala, anin na kaso ng Covid-19 ang naitala ng PNP-HS nitong Nov. 8. Uumakayat na sa kabuan 42,022 kaso at 300 aktibong kaso. Habang 24 ang mga gumaling at umakyat na sa 41,599 ang nakarekober. (Mark Obleada)