Advertisers

Advertisers

3 timbog sa pagbebenta ng alak na may halong tubig

0 268

Advertisers

LEGAZPI CITY – Arestado ang tatlo katao sa entrapment operation ng pulisya sa pagbebenta ng alak na may halong tubig sa Purok 5, Barangay Anislag, Daraga, Albay.

Kinilala ang mga dinakip na sina Susan Nidea Lucañas, 42 anyos, vendor; Carl Singanon Salazar alyas Carl Madrona Mangampo, 29; at Rozil Miguela Lustristca, 27, pahinante; pawang residente ng nasabing barangay.

Nakatanggap ng report ang Daraga Municipal Police Station tungkol sa mga inuming alak na hinahaluan ng tubig. Kaya nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya kasama ang RID-RSOU5 personnel at naaresto ang tatlo.



Ibinebenta ng mga suspek ang mga tampered na produkto sa merkado na ina-advertise bilang tunay na produkto ng isang kilalang brand na alak sa bansa

Ayon sa Daraga MPS, kinasuhan na ng Violation of Unfair Competition, Trademark Infringement and False Designation ang mga suspek.