Jake Cuenca dinalaw ang delivery rider na tinamaan ng bala nang putukan ng mga pulis ang sasakyan ng aktor
Advertisers
DINALAW sa ospital ng aktor na si Jake Cuenca ang Grab driver na tinamaan ng stray bullet nang barilin ng mga humahabol na pulis ang sasakyan ng aktor sa Mandaluyong City noong nakaraang buwan.
Ang biktima ay si Eleazar Martinito na dinalaw ng aktor sa bahay nitong Sabado.
Kita sa larawang ibinahagi ni Cuenca sa kanyang Instagram account na hawak niya ang kamay ng delivery rider na masaya namang nakipag-usap sa kanya.
Masaya ang 33-anyos na aktor dahil nabigyan siya ng pagkakataon na madalaw ang Grab driver.