Advertisers

Advertisers

Titser sa viral Tiktok video nagsori: “Katuwaan lang”

0 434

Advertisers

HUMINGI ng tawad ang guro sa kanyang viral Tiktok video na umani ng sari-saring reaksyon kamakailan.

Ito ay ayon kay Benjo Basas ng Teachers’ Dignity Coalition.

“Naglabas na ng apology ‘yung ating teacher po dito at sinabi niyang ‘yon ay katuwaan lang,” ani Basas.



“Again hindi naman natin pupuwedeng sabihin na ‘yung lahat ng mga bagay basta katuwaan lang ay palalampasin po natin,” dagdag pa niya.

Matatandaan na sa TikTok post ng nasabing guro na nakalagay ang Leo Bondoc Lopez (@leobondoclopez) on TikTok: pag tumingin ka akin ka! ??.

Ayon pa sa grupo, kailangan rin na malaman ang intensyon sa likod ng viral video at mapaalalahanan.

“Kaya nga po sabi namin ay kinakailangan naman talaga itong paalalahanan at nang makita po natin kung ano ‘yung intention kasi mahirap naman i-establish ‘no but of course sa child abuse, hindi naman kailangan ng intention ‘no, basta meron pong perceived at ‘yun nga potential abuse na pwedeng makita ang otoridad or yung offended party if ever ay, child abuse would exist.”

Matatandaan na kinondena ng Department of Education (DepEd) ang naturang Tiktok video at nagbabala si Education Secretary Leonor Briones na nais niyang mabigyan ng karampatang parusa ang guro sa likod ng video.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">