Advertisers
HINILING ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara na isama ang ilang milyong tricycle drivers sa mabibigyan ng fuel subsidy mula sa gobyerno.
Sa kanyang privilege speech sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara nitong Lunes, sinabi ni Vergara na nasa 5 million ang tricycle drivers sa bansa.
Ayon kay Vergara, ang mga tricycles ang siyang pangunahing transportasyon lalo na sa mga bayan, pero hindi man lang sila kasama sa planong bigyan ng fuel subsidy ng pamahalaan.
Inanunsyo ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na magbibigay ang pamahalaan ng cash grants sa mga drivers ng mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program ng LTFRB.
Sinabi ni Vergara, lahat ng sektor ng transportasyon ay dapat na mapasama sa ipagkakaloob na ayuda kasunod nang pagisirit ng presyo ng langis sa mga nakalipas na buwan.