Advertisers

Advertisers

18-anyos babae tumangay ng P8m sa online selling scam

0 481

Advertisers

INARESTO ang 18-anyos na babae nang ireklamo ng mga nabiktima ng online selling scam na nakatangay ng halos P8 milyon.

Kinilala ang dinakip na si Chase Jasmine Santos, nagbebenta ng mga damit sa social media.

Ayon kay Lieutenant Colonel Benedict Poblete, Provincial Officer-PNP-CIDG, ginagamit ni Santos ang pangalan ng isang sikat na K-pop group sa modus nito kaya maraming kabataan ang nai-engganyo.



“Most of the victims are youngsters, young business wannabes,” ayon sa opisyal.

Sa report, dalawang taon narin isinasagawa ni Santos ang panloloko sa mga biktima na nag-aalok ng mga produkto sa murang halaga pero hindi naide-deliver.

Isa mga nagrereklamo na menor de edad ay nagsabing natangayan siya ng P700,000. Habang ang isa pang menor de edad na biktima ay P100,000 daw ang nakuha sa kaniya.

Kapwa mayroon ding kani-kanilang online business ang mga biktima.

“Lahat po is nagpe-fail, kahit nung first batch po wala ‘rin pong dumadating, tapos tanggap lang po sila nang tanggap ng pera,” anang isang biktima.



May pagkakataon pa raw na sila ang naba-bash at inaakusahang scammer ng kanilang mga parokyano.

Depensa naman ni Santos, hindi nai-deliver sa kaniya ng kaniyang supplier ang mga produkto kaya ibinabalik niya ang ibinayad sa kaniya.

“Yung products nila hindi pa po dumadating sakin. That’s why po nagpa-partial refunds nalang po ako sa kanila kasi alam ko naman po na naiipit lang po sila katulad ko po at bata pa po yang mga yan,” ayon kay Santos na nangakong ibabalik ang pera ng mga biktima.

Payo ni Poblete sa citizens, makabubuting cash on delivery (CoD) ang gamiting proseso ng pagbabayad kapag may nais orderin para sa negosyo.

Hanggang sa ngayon, hindi pa naiba-block ang naturang social media account na ginagamit ni Santos.