Advertisers
NAREKOBER ang bangkay ng isang administrative officer ng Department of Education (DepEd) sa Cagayan River sa Barangay Magsaysay, Naguilian, Isabela nitong Linggo.
Sa ulat ng Police Regional Office 1, ang natagpuang bangkay ay si Rolando Yap Jr., 26 anyos, kasal, ng Sta. Filomena, San Mariano, Isabela. Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Princess Angelica Yap
Ayon sa kanyang mga kamag-anak, Nobyembre 5, 2021 umalis sa bahay si Yap dahil sa hindi pagkakaintindihan sa pamilya at hindi na ito nakabalik.
Noong Linggo, Nobyembre 7, iniulat ng pulisya na nakasuot ng itim na damit at maroon na maong pants ang bangkay na lalaki nang matagpuan ito sa Cagayan River 4:30 ng hapon.
Ang narekober na bangkay ni Yap ay itinurn-over sa kanyang pamilya at dinala sa tirahan nito sa San Mariano,.
Hindi pa matukoy ng pulisya kung totoong tumalon sa tulay si Yap na naging sanhi ng kanyang kamatayan matapos ito malunod.
Ayon pa kay Dulay, batay sa salaysay ng kapatid na babae ng biktima, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at kaniyang pamilya bago naglayas dala ang ilan sa kaniyang mga gamit.
Wala namang nakitang foul play o bakas ng injuries sa katawan ng biktima, pinaniniwalaan pagkalunod ang naging sanhi ng kaniyang pagkasawi.