Advertisers
ALICIA, Isabela — Namatay sa isang vehicular accident ang kapitan ng barangay sa bayan ng Angadanan sa by-pass road sa Bgy. Sta. Cruz.
Kinilala ng Police Regional Office 2 ang biktima na si Gilbert Guillermo, 48 anyos, tserman ng Bgy. Aniog, Angadanan.
Sa ulat mula sa PNP Alicia, 10:40 ng umaga ng Nobyembre 7, isang Toyota Fortuner SUV na may plate no. NCW 1611 na minamaneho ni Johnly Nino, 29, ng Bgy. Bayabo East, Tumauini ang bumabaybay sa timog na direksyon patungo sa Santiago City.
Nang makarating sa intersection point, patuloy na dumaan ang Fortuner at tinawid ang kalsada na bumangga sa motorsiklong minamaneho ng biktima.
Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Guillermo at isinugod siya ng responding team sa Cacal Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.
Nasa kustodiya na ng Alicia Police Station ang driver ng Fortuner.