Advertisers

Advertisers

Covid update: 1,409 bagong kaso; 2,941 gumaling; 46 nasawi

0 202

Advertisers

UMAABOT na lamang ngayon sa mahigit 30,000 ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos na nakapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 1,409 bagong kaso nitong Martes, Nobyembre 9.

Dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,806,694 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.1% o 30,544 na lamang ang aktibong kaso o may potensiyal pang makahawa.



Kabilang naman sa active cases ang 60.7% na nakakaranas ng mild symptoms, 17.05 % na moderate cases, 10.0% na severe cases, 8.0% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 4.2% na kritikal.

Mayroon ding 2,941 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,731,583 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.3% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 46 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 44,567 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.59% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">