Advertisers

Advertisers

Dalagita kumuha ng module ni-rape, pinatay sa Batangas

0 1,247

Advertisers

Laurel, Batangas – Nadiskubre ang hubo’t hubad na bangkay ng isang Grade 10 na estudyante Lunes ng umaga sa Sitio Dayap, Barangay Sta. Maria dito sa bayan ng Laurel.

Sa ulat, alas 9 ng gabi nang makatanggap ng tawag sa telepono ang Laurel Municipal Police Station galing sa mga opisyal ng nasabing barangay tungkol sa natagpuang bangkay ng isang menor de edad na babae sa madamong bahagi sa Sitio Dayap.

Ang biktima ay nadiskubre ng pinsan nitong si Jayvee San Vicente na siyang tumawag sa mga taga- barangay.



Huling nakitang buhay ang biktima Lunes ng tanghali, ayon kay San Vicente.

Sa isang post sa Facebook account ng Wow Laurel Batangas, nakilala ang biktima na si Jenefer Gamo, 15 anyos. Kumuha lang daw ito ng module sa kaklase at pagkatapos ay pumunta sa gubat para kumuha ng kumpay, pero natagpuan nang bangkay na hubo’t hubad.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Laurel Police. (KOI LAURA)