Advertisers

Advertisers

‘Duktor’ ng Cenomar timbog

0 375

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki na nagbebenta ng pekeng certificate of no marriage record (Cenomar) para patunayan na single o walang sabit ang ikakasal. Kabilang daw sa mga gumagamit ng pekeng Cenomar ang mga gusto magpakasal sa mga dayuhan.

Kinilala ang dinakip na si Darwin Rotap, na inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Special Task Force at Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Ayon sa ilang nagrereklamo, nag-aalok ang mga fixer na baguhin ang kanilang civil status na mula married ay gagawing single kapalit ng P3,500.



“‘Yung asawa mo buhay pa pinapalabas na patay na o kaya pinapalabas na hindi ka talaga nag-asawa,” ayon kay Jeremiah Belgica, ARTA’s director general.

Sinabi ni Sixto Espinesin Jr., NBI-STF executive officer, na nagagamit din ang mga pekeng cenomar sa human trafficking at mail order brides para maikasal sa dayuhan.

Dinala ng mga awtoridad sa Philippine Statistics Authority ang nakuhang Cenomar kay Rotap, at doon kinumpirma na peke ang dokumento.