Advertisers

Advertisers

Jeepney grinanada, wasak sa Iloilo

0 233

Advertisers

WASAK ang isang pampasaherong jeepney matapos na hagisan ng isang granada habang nakagarahe sa Santa Barbara, Iloilo.

Sa ulat, nangyari ang insidente madaling araw ng Sabado sa Barangay Cabugao.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakagarahe ang naturang jeep sa bahay ni Ariel Surabilla, nang hagisan ito ng granada ng lalaking sakay ng motorsiklo.



Sa lakas ng pagsabog, nabasag ang windshield ng sasakyan, nagkabutas-butas ang bubungan, nasira ang upuan, may malaking butas sa sahig at halos hindi na mapapakinabangan.

Walang nadamay o nasaktan sa insidente.

Ayon kay Surabilla, nagulat nalang siya nang makarinig siya ng malakas na pagsabog.

Wala siyang maisip na dahilan kung sino ang naghagis ng granada sa kaniyang sasakyan na napag-alamang inaarkila lamang niya.

Ayon sa punong barangay, isang miyembro ng pamilya ni Surabilla ang nasangkot noon sa gulo at kaniyang pinag-ayos dahil sa problema sa lupa.



Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.