Advertisers

Advertisers

Mag-asawa niratrat-patay sa loob ng bahay

0 430

Advertisers

AGUSAN DEL SUR – Tadtad ng bala ng baril ang mag-asawa nang lusubin sa kanilang bahay ng mga hindi pa kilalang salarin sa bayan ng Esperanza nitong Lunes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Elber Alibo Montes, 42 anyos; at misis na si Elvira Momar Montes, 51, kapwa residente ng Purok-7, Brgy. Maasin, Esperanza.

Ayon kay Police Major Carmelo Malubay ng Esperanza-PNP, 4:40 ng hapon ay nakatanggap sila ng report hinggil sa pamamaril-patay sa mag-asawa sa nasabing lugar.



Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar, naabutan nila ang mag-asawa sa labas ng kanilang bahay na kapwa naliligo sa sariling dugo at tadtad ng bala ng baril ang mga katawan. Nakapulot ang pulisya ng 18 basyo ng bala ng .45 kalibre na baril.

Ayon sa pulisya, walang nakasaksi sa krimen dahil nasa liblib na lugar ang bahay ng mag-asawa at malayo ang mga kapitbahay .