Advertisers

Advertisers

Mayors na sumuway sa IATF rules hinggil sa face shield ‘di paparusahan – DILG

0 219

Advertisers

NILINAW ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na hindi papatawan ng parusa ang mga alkalde na nagbaba ng kautusan na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield.

Ayon kay Año, hindi “null and void” ang executive order na ibinaba ng mga local government units na nagdedeklarang optional na lang ang pagsusuot ng face shield.

Aniya, may kapangyarihan ang bawat LGUs na magpatupad ng ordinansa sa kanilang nasasakupan.



Kamakailan ay ipinag-utos ng Davao City, Iloilo City at Manila na non-mandatory na ang face shield, subalit nanindigan ang Malacañang na mananatili pa rin epektibo ang IATF policy sa paggamit ng face shield hangga’t hindi ito binabawi.

Nagbanta pa si Presidential Spokesman Harry Roque na maaring masuspinde ang alkalde dahil sa pagsuway sa chain of command dahil ang desisyon ng IATF ay desisyon na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Jonah Mallari)