Advertisers

Advertisers

2 Gunrunner tiklo sa Angeles city

0 225

Advertisers

Inaresto ang dalawang lalaki na nagbebenta ng .38-caliber revolver sa isang undercover agent sa isang sting operation nitong Martes sa Pampang village, Angeles City.

Kinilala ng Police Regional Office 3 ang mga naaresto na sina Samion Bucay, 29; at Ansary Bucay, 28, tinuturing na high-value target sa kanilang kampanya laban sa paglaganap ng mga hindi lisensyadong baril.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P81,600, pati ang boodle money na ginamit sa transaksyon.



Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.