Advertisers

Advertisers

2 NPA patay sa engkwentro, 1 arestado

0 631

Advertisers

NASAWI ang dalawang miyembro ng mga komunistang New People’s army (NPA) ng mga tauhan ng Philippine Army sa engkwentro sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Sa ulat ni Army commanding officer Lieutenant General Andres Centino, patay sa sagupaan sina alyas Ka Joseph at Ka Aykay na miyembro ng NPA sa nasabing lugar.

Gayunpaman, bigo ang mga sundalo na madakip ang target ng nasabing operasyon – sina Edilberto Dabal alyas Bong/Waco na tumatayong pinuno ng Regional Operations Command ng NPA at isang Judel Vertudazo alyas Janjalani na siyang humahawak sa Regional Sentro de Grabidad (RSDG) na bahagi ng Northeastern Regional Committee (NEMRC).



Sa ulat, 12:30 ng tanghali nang masabat ng mga sundalo ang hindi bababa sa 40 miyembro ng NPA sa Barangay Villa Undayon ng nasabing bayan. Tumagal ng 45 minuto ang sagupaan bago tumakas ang mga rebelde.

Narekober mula sa pinangyarihan ang mga mahahabang armas na ginamit ng mga napaslang na komunista, mga bala, pampasabog, hand-held radio at cellphones.

Samantala, arestado sa bayan ng Monreal, Masbate ang isang kilabot na miyembro ng NPA na wanted sa batas sa mga kasong murder at multiple attempted murder.

Kinilala ang naaresto na si Nonilon Bartolay alyas Wango.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">