Advertisers
GINAWA nang 13 oras ng Commission on Elections (Comelec) ang botohan para sa 2022 national at local elections.
Sa pagdinig ng House committee on suffrage ang electoral reforms nitong Miyerkules, sinabi ni Comelec Dir. Teopisto Elnas Jr. na kabilang sa mga naaprubahan ng kanilang En Banc ang magiging “general instructions” kung saan gagawing mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi ang voting hours.
Ayon pa kay Elnas, pinag-aaralan naman aniya ng poll body sa ngayon kung maari bang magpatupad sila ng 2-room system sa mga polling precincts.
Ang isa sa dalawang kwarto na ito ay magsisilbing holding area, habang ang isa naman ay gagamitin para sa pagboboto mismo.
Magkakaroon din aniya ng voters assistance desk at mga COVID-19 marshalls. Ang mga ito ay sasailalim sa training bago ipadala sa mga polling centers para matiyak ang maayos na crowd control. (Josephine Patricio)