Advertisers

Advertisers

Lt. Gen. Carlos bagong PNP chief

0 249

Advertisers

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Dionardo Bernardo Carlos bilang bagong Philippine National Police (PNP) Chief kapalit ng magreretirong si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Si Eleazar ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Nobyembre 13 sa edad na 56 anyos.

Si Carlos ay kasalukuyang The Chief of Directorial Staff (TCDS) na 4th na pinakamataas na puwesto sa hanay ng PNP.



Kabilang si Carlos sa nagtapos ng Phillippine Military Academy (PMA) class 1988 at nakatakdang magretiro sa serbisyo sa May, 2022.

Nagsilbi si Carlos bilang PNP spokesman at naitalaga rin bilang Chief ng Aviation Security Group (ASG)

Si Carlos ang ika-27 hepe ng PNP na huling PNP chief na itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos naman ang termino sa June 30, 2022.

Nanawagan si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa may 222,000 kawani ng PNP na suporthan si Carlos bilang bagong PNP.

Sinabi ni Eleazar na taglay ni Carlos ang lahat ng mga qualification upang pamunuan ang buong hanay ng PNP-MO. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">