Advertisers

Advertisers

P50m ismagel sibuyas mula China nakumpiska sa Misamis Or.

0 276

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) kasama ang Department of Agriculture (DA) ang mahigit P50 million halaga ng smuggled na sibuyas na nagmula sa China.

Nobyembre 3 dumaong ang barko na karga ang 18 container vans sa Mindanao Container Terminal (MCT) ng Tagoloan, Misamis Oriental at binuksan sa harap ng publiko mismo nitong araw.

Sinabi ni MCT Collector John Simon na ipinagkunwari ng consignee na R2H Trading na acified cream at smoked crawfish ang kargamento, subalit sibuyas mula China ang mga ito kaya kinumpiska.



Inihayag ni Simon na naging madali ang pagka-intercept ng ilegal na kargamento dahil sa aktibong inter-agency sub-group on economic intelligence.