Advertisers

Advertisers

Pekeng duktor buking sa pagrereseta, arestado

0 542

Advertisers

ARESTADO ang isang pekeng duktor ng mga operatiba ng Manila Police District-Tayuman Police Community Precint sa Jose Abad Santos Avenue corner F. Yuseco St., Tondo nitong Lunes.

Kinilala ang inaresto na si Omar Moharin, 34 anyos, residente ng 225 E. Rodriguez Sr. Avenue, New Manila, Quezon City

Ayon sa ulat, isang totoong duktor at mismong may-ari ng klinika ng Star Medical Clinic na si Raffy Crespo, 31, ng 1858 Prudencia Street, Tondo ang nagpaaresto kay Moharin.



Kabilang sa mga nakumpiska mula kay Moharin ang isang lab coat kungsaan burdado ang pangalan niya at logo ng dalawang malalaking ospital sa Metro Manila at laminated na PRC ID.

Ayon kay Police Major Johnny Boy Itcap, hepe ng Tayuman Police Community Precint, na-hire si Moharin mula sa isinagawang online application ng clinic at doon niya ipinasa ang kaniyang requirements. Dahilan ito para madaling dayain ang mga dokumento.

Nagreseta rin si Moharin sa dalawang pasyenteng nagpa-check up sa clinic.

Unang araw palang ni Moharin sa clinic nabisto na siya dahil naghinala sa mga kilos at pananalita niya ang bantay na asawa ng may-ari ng clinic.

Ipina-verify agad ng mag-asawa sa Professional Regulation Commission (PRC) si Moharin at doon napag-alaman na wala itong lisensya.



Graduate si Moharin ng medisina ngunit hindi ito nakapasa sa board exam kaya dalawang taon na raw itong nagpapalipat-lipat ng klinika.

Umamin ang pekeng duktor na hindi siya lisensiyado. Tumanggi na itong magbigay ng pahayag sa media.

Mahaharap si Moharin sa mga paglabag sa Republic Act , 2382 (Medical Act of 1959), Article 315 (Estafa) at Article I70 (Falsification of Document) of the Revised Penal Code sa Manila Prosecutor Office.