Advertisers

Advertisers

Comelec: Final list ng mga kandidato ilalabas sa 2nd week ng Dec.

0 257

Advertisers

POSIBLENG sa 2nd week ng Disyembre mailalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang pinal na listahan ng mga kandidato sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito ay dahil na rin sa mga nakabinbin pang reklamo gaya ng kanselasyon ng mga certificate of candidacy (CoC) sa ilang mga kandidato.

Naunang sinabi ni Jimenez na kabuuang 91 ang mga petisyon na tatalakayin ng komisyon bago ang final printing ng mga balota sa Disyembre.



Nilinaw pa ni Jimenez na ang mga petisyon ay kinabibilangan ng mga tatakbo sa pagka-pangulo, bise presidente, senators at partylist representatives.

Binigyan-diin pa ng Comelec na kahit marami ang maghahain ng kanilang withdrawal o magsa-substitute ay hindi na papalawigin pa ng Comelec ang itinakdang deadline sa Lunes. (Josephine Patricio)