Advertisers

Advertisers

Goma at Lucy Gomez pa din ang mga taga-Ormoc City

0 1,338

Advertisers

NAGLABAS ang SRG Research and Analysis ng bagong resulta sa survey sa Ormoc City kamakailan kung saan ito ay ibinase sa gusto ng ilang napiling tao na lumahok sa nasabing survey.

Ayon sa resulta, nasa puso pa din ng Ormocanions ang mag-asawang Gomez dahil sa ganda ng serbisyong pinakita nito sa Ormoc City.

Si Mayor Richard Gomez na kakandidato bilang mambabatas ng ika-4 na distrito ay umani ng 71.91 porsyento samantala ang makakalaban nito ay nakakuha lamang ng 18 porsyento. Ang nasabing distrito ang kinabibilangan ng Ormoc City at anim pang munisipalidad.



Samantala, si Rep. Lucy Torres-Gomez naman na tatakbo bilang alkalde ng Ormoc City ay nakakuha ng 70.60 porsyento sa nasabing survey.

Matantandaan na si Rep. Gomez ay hinihikayat na tumakbo sa pagka-Senador ngunit mas pinili nito na manatili sa layunin na pagpapaganda ng Ormoc City.

Ang mag-asawa ay naging mabango hindi lang sa Ormoc City gayundin sa buong bansa sa naging maagap at mabisang paglaban nito sa pandemya.