Advertisers
Kidapawan City, North Cotabato – Kasong murder ang isasampa ng Special Investigation task group laban sa salarin na natukoy ng PNP na siyang bumaril-patay kay Dondon Dinoy sa kanyang apartment.
Ayon kay Police Colonel Guesseppe Geralde, Provincial Director ng PNP, tumugma ang computerized facial composite ng mga witnesses sa mga larawang hawak ng PNP na involed sa iba’t ibang krimen sa Davao Del Sur.
Sinabi pa ng opisyal na dalawa ang kanilang sinusundang anggulo sa pagpatay. Isa dito ang mga maaanghang nitong post laban sa mga politiko at ang isa naman ang involevment nito sa illegal gambling sa Davao Del sur partikular ang sabong.
Sinabi ni Col. Geralde na may taong pinapakilos si Dinoy sa mga sabungan para manghingi ng pera at kung hindi magbibigay ang mga sangkot, ititimbre nito sa PNP ang iligal na aktibidad.
Inaasahang ngayong linggo, sabi ni Col. Geralde, maisasampa na ang kasong murder laban sa dalawang salarin na hindi muna pinangalanan.